^

Police Metro

Jay Ruiz balik PCO, 20 opisyal sibak

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos makapaghain ng courtesy resignation, muling itinalaga ng Palasyo ng Malakanyang ang dating mamamahayag na si Jay Ruiz bilang acting Secretary ng Presidential Communications Office (PCO).

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang appointment paper ni Ruiz ay inilabas noong Lunes, Hunyo 16.

Matatandaan na ipinagpaliban ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang deliberasyon sa appointment ni Ruiz bilang pinuno ng PCO.

Nagpasalamat naman si Ruiz kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ­dahil sa aniya ay tiwala sa kanyang pamumuno sa PCO.

Samantala, nauna nang iniulat na tinatayang 20 opisyal ng PCO ang sinibak ng Pangulo matapos nitong ipag-utos ang pagsusumite ng courtesy resignation para masu­ring muli ang kanilang performance at matiyak ang kanilang pakikiisa sa mga layunin ng administrasyon.

Pinadalahan na rin aniya ng liham ang ilang opisyal ng PCO na tinanggap ang pagbibitiw at ang mga mananatili sa puwesto.

Kabilang aniya sa mga inalis sa puwesto ng Presidential News Desk (PND), Philippine Information Agency (PIA) at News and Information Bureau (NIB) ng Philippine News Agency (PNA) na pawang mga nasa ilalim ng PCO.

Nabatid na karamihan sa mga tinanggal ay may mga ranggong direktor habang may inalis din umanong assistant secretary at mananatiling mga direktor na pawang taga-PCO.

Samantala, nagbitiw naman aniya sa kanyang puwesto si PCO Sr. Undersecretary Ana Puod dahil sa “untenable condition” sa loob ng nasabing ahensiya.

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with