22 Pinoy officials na-trap sa Israel

MANILA, Philippines — Nasa 22 opisyal ng gobyerno kabilang ang dalawang party-list representatives at tatlong mayors mula sa Visayas Region ang stranded ngayon sa Israel matapos saraduhan ng Israeli government ang kanilang air space dahil sa conflict sa Iran.
Sinabi ng ambassador ng Israel sa Pilipinas na si Ilan Fluss na hindi bababa sa 17 local officials ng Pilipinas ang nasa “official mission” sa Israel.
“About 17 mayors and local government representatives, then a few from the dairy industry. So altogether, we have 22 in Israel. I have to say that from what I see, they are feeling okay,” sinabi ni Fluss.
Nauna nang napaulat na may mga mayors na nagkakanlong sa isang bomb-proof bunker sa gitna nang nangyayaring gulo.
Napaulat na kabilang sa mga opisyal sina Barugo, Leyte Mayor Aaron Balais; Lawaan, Eastern Samar Mayor Athene Mendros; at Hindang, Leyte Mayor Betty Cabal na nagtungo sa Israel para sa isang “study visit” tungkol sa “Promoting Sustainability and Food Security in Urban Areas.”
Bahagi sila ng isang “study visit” na inorganisa ng Israel Agency for International Development Cooperation.
Tiniyak din ni Fluss na ginagawa lahat ng kanilang gobyerno ang paraan upang agarang makabalik sa Pilipinas ang mga government officials.
- Latest