8 Metro Manila chief of police sinibak sa puwesto

Bigong maipatupad ang 5 minute response time policy
MANILA, Philippines — Walong chief of police sa Metro Manila ang inalis sa kanilang puwesto matapos mabigo umanong maipatupad ang 5-minute response time policy.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III na hindi sumunod sa kaniyang direktiba ang mga nasabing chief of police matapos na tumawag ang mga nangangailangan ng tulong.
Ang mga sinibak na chief of police ay mula sa Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan, Parañaque at Makati.
Ayon pa kay Torre, posibleng may mga susunod pang matatangal sa pwesto hindi lang sa Metro Manila pati na rin sa mga probinsya tulad sa Central Visayas kung saan may mga bakanteng pwesto ng provincial director.
Hindi naman umano problema ang mga papalit dahil marami ang mga nakalinya na mas magagaling na opisyal para mamuno.
- Latest