Taxi na nag-overcharge sa pasahero sa NAIA, colorum

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na colorum ang taxi na pinapasada ng driver na nag-overcharge ng P1,200 sa pasahero niyang sumakay sa NAIA Terminal 3 na patungo lang ng Terminal 2.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, natukoy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na expired na noon pang Marso ang provisional authority o prangkisa, hindi lang ang taxi unit sa viral video kung hindi buong fleet ng Taxi Hub Transport.
Kaya naman pati operator ng taxi, pananagutin din at inatasang isuko na ang plaka at mga unit na nagamit sa illegal na pamamasada.
Sa ngayon, pinoproseso na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbawi sa lisensya ng abusadong driver at impounded na rin ang taxi unit nito.
Inatasan na rin nito ang LTO at LTFRB na magsagawa ng malawakamg crackdown laban sa mga taxi na naniningil ng sobra partikular sa mga airport, seaport at mga terminal.
- Latest