^

Police Metro

2 opisyal ng LTO na nanakit, sinibak sa serbisyo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak sa serbisyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang dalawang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 matapos ang ginawa nilang pananakit sa dalawang indibidwal na kinabibilangan ng isang menor-de-edad naganap sa Pulsar Hotel, Barangay Caggay, ­Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ni Dizon ang mga sinibak na sina LTO Region II assistant regional director Manuel Baricaua at Charles Ursulum.

Ayon kay Dizon, lumiham na siya kay Executive Secretary Lucas Bersamin para permanente nang matanggal sa serbisyo ang mga naturang opisyal.

Nabatid na ang dalawang opisyal ay nahuli sa video na sinusuntok at sinisipa ang isang lalaki sa isang aktibidad sa Tuguegarao, Cagayan.

“No excuse para dito. Tinanong ako, ‘Sir, kaila­ngan pa ba ng imbestigasyon?’ Sabi ko, ‘Anong imbestigasyon pa ba kailangan mo? Kitang-kita mo na nga sa video na tinadyakan ‘yung mga kababayan natin”, wika ni Dizon.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with