4 Pinoy sa Israel sugatan sa airstrike ng Iran

MANILA, Philippines — Hindi bababa sa apat na Pinoy ang nasugatan at isinugod sa ospital matapos masugatan sa isinagawang ganting air strike ng Iran sa Israel ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega nitong Linggo, ang mga nasugatang Pinoy ay mula sa Rehovot, isang lungsod na nasa 20 kilometro sa timog ng Tel-Aviv.
Bukod sa apat, may 12 pang Pilipino ang nasa isang parke nang tumama sa lugar ang missile ng Iran.
Ayon naman sa Philippine Embassy sa Israel, isang Pinay ang nawalan ng tirahan at pansamantalang nanunuluyan sa hotel matapos tamaan ng mga missile ang Ramat Gan, kanluran ng Tel-Aviv, ayon sa Philippine Embassy in Israel.
Nire-review na rin ng Philippine Embassy sa Israel kung kinakailangan ng ipatupad ang boluntaryo o sapilitang repatriation para sa mga Pilipino sa mga susunod na araw.
Nasa 30,000 ang mga Pilipino sa Israel.
- Latest