^

Police Metro

2 bugaw timbog ng NBI, 11 nasagip!

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 bugaw timbog ng NBI, 11 nasagip!
Sa ulat na isinumite kay NBI Director Judge Jaime Santiago, idinulog sa kanila ng Destiny Rescue Philippines, Inc, ang natuklasang aktibidad ng dalawang babaeng bugaw na nakabase sa Bulacan.
Boy Santos, File

Resort sa Bulacan ni-raid

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang bugaw ang inaresto ng mga ahente ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) matapos maghatid ng 11 kababaihan kabilang ang apat na menor-de-edad para sa sexual services, sa isang resort, sa Marilao, Bulacan, noong nakaraang linggo.

Sa ulat na isinumite kay NBI Director Judge Jaime Santiago, idinulog sa kanila ng Destiny Rescue Philippines, Inc, ang natuklasang aktibidad ng dalawang babaeng bugaw na nakabase sa Bulacan.

Ikinasa ang entrapment operation ng NBI-Organized Transnational Crime Division (OTCD), kasama ang kinatawan ng Destiny Phils. Inc matapos ang isinagawang surveillance.

Unang nakipagtransaksyon ang mga awtoridad sa dalawang suspek na nagdala ng dalawang babae na may presyong P3,000 bawat isa, na hindi muna itinuloy sa pagdadahilan na ituloy na lamang sa Hunyo 4, 2025 para sa idaraos na party sa isang private resort.

Sa petsang nabanggit, 11 kababaihan ang dinala ng mga suspek sa isang resort, sa Marilao, Bulacan at naningil ng kabuuang P33,000 na naging dahilan upang sila ay arestuhin.

Natuklasan na ang apat sa traffic victims ay  menor-de-edad, dalawa ang magkapatid, at ang isa naman ay mismong anak ng isa sa mga suspek.

Dinala sa Marilao Social Welfare Development Office ang nasagip na mga biktima habang isinailalim sa inquest proceedings ang mga suspek sa Malolos Provincial Prosecutor’s  Office sa reklamong paglabag sa Section 4 in relation to Section 6 ng Qualified Trafficking in Persons ng Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2002), na inamyendahan ng RA 10364 (expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2002) in relation to Section 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with