Higit P1 dagdag-presyo sa petrolyo, ipatutupad

MANILA, Philippines — Dagdag pahirap na naman ang mararanasan ng mga motorista dahil sa inaasahang pagtataas ng presyo ng petrolyo sa Martes.
Ito ay dahil sa inaasahang may P1 na dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipatutupad sa susunod na lingo.
Batay sa abiso ng mga oil companies, sa darating na araw ng Martes, aabutin ng 90 centavos hanggang P1.40 per liter ang maaaring maitaas sa presyo ng gasolina habang P1.00 hanggang P1.40 per liter ang taas presyo sa diesel at P1.00 hanggang P1.20 per liter na dagdag presyo sa kerosene.
Sinasabing ang galaw sa nagdaang apat na araw ng presyuhan sa petrolyo sa merkado ang ugat ng inaasahang oil price hike sa susunod na linggo.
- Latest