Korapsyon sa BI, pinaiimbestigahan sa Senado

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang alegasyon ng korapsyon at misconduct sa paghawak sa deportasyon ng POGO workers ng Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni Gatchalian na inihain niya ang Senate Resolution 1381 para imbestigahan ang liderato ng ahensiya kaugnay sa alegasyon ng korapsyon at sa paratang ng ilang empleyado ng BI.
“The improper implementation of the country’s anti-POGO policy concerning the detention and deportation of foreign nationals involved in POGOs may create loopholes in our anti-POGO framework and allow nefarious POGO actors to continue their operations,” ayon kay Gatchalian.
Giit pa ng Senador na ang hindi tamang deportasyon ng POGO-related foreign national ay maaaring magbigay daan sa kanilang pananagutan.
Nitong nakaraang mga linggo ay nagpadala ng liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga concerned BI employees na nag-aakusa sa matataas na opisyal ng ahensiya ng pag-abuso sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagmamadali sa pagpapalaya sa piyansa ng mga dayuhang may kaugnayan sa mga POGO, kabilang na ang ilang makapangyarihang personalidad sa likod ng mga ito.
“Kailangan nating ituwid ang katiwalian sa ahensyang inaasahang nagpapatupad ng batas at punan ang pagkukulang sa ating mga regulasyon,” giit pa ni Gatchalian.
- Latest