Bong Go, nagdiwang ng kaarawan kasama mga batang may kanser
MANILA, Philippines — Sa halip na magsaya kasama ang mga kaibigan at kakilala, mas pinili ni Senator Christopher “Bong” Go na magdiwang ng kanyang kaarawan sa piling ng mga batang may kanser sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.
Singkwenta y uno-anyos na si Go na nakasanayan na hindi magselebra ng birthday isang gawi na natutuhan niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Inilalaan na lamang niya ang kanyang oras para makapagsilbi, lalo sa mga batang may sakit.
Kapag malapit na ang kanyang kaarawan ay dinadalaw niya ang mga batang pasyente sa PCMC, hindi lamang para maghatid ng saya sa kanila, kundi upang personal ding alamin kung ano pa ang maitutulong niya sa ospital at mga pasyente. Nagsimula ang tradisyon niyang ito, 7 taon na ang nakalilipas, nang una niyang makilala si John Paul Culiao, isang batang may kanser na naging kaibigan niya na naka-survive sa sakit at kasama sa pagsisilbi sa mga batang may kanser.
- Latest