Impeachment Trial vs. VP Sara, ipinatitigil sa Korte Suprema
MANILA, Philippines — Inihain kahapon sa Korte Suprema ang supplemental motion laban sa pagsasagawa ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa 45-pahinang supplemental petition na inihain nina Attys. Israelito Torreon, Martin Delgra III, James Reserva, Hillary Olga Reserva, at Jey Rence Hilario, hiniling nila ang temporary restraining order and or writ of preliminary injunction para mapigilan ang impeachment trial.
Hiniling din nila na ideklarang null and void ang articles of impeachment.
Sa pahayag ni Atty. Torreon, sinabi niya na kinukuwestiyon nila kung maaring ipasa ng 19th Congress sa 20th Congress ang pagdinig sa impeachment dahil hindi umano ito naayon sa principle of legislative discontinuity. Ang kasalukuyang kongreso ay magtatapos na sa Hunyo 30.
Aniya, maghahain sila ng manifestation upang i-update ang Supreme Court (SC) sa developments ng impeachment sa House of Representatives at Senate.
Noong nakalipas na Pebrero ay inihain ni Duterte ang petisyon sa SC na kumukwestyon sa validity at constitutionality ng 4th impeachment complaint.
- Latest