^

Police Metro

Defense team ni VP Sara handa na sa impeachment

Malou Escudero - Pang-masa
Defense team ni VP Sara handa na sa impeachment
Vice President Sara Duterte and Sen. Imee Marcos, sister of President Bongbong Marcos, attend a thanksgiving Mass at Our Lady of the Rosary Catholic Church in Doha, Qatar on May 26, 2025.
Inday Sara Duterte/Released

MANILA, Philippines — Tiniyak nitong Lunes ng defense team ni Vice President Sara Duterte na nakahanda na silang ipagtanggol ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Inilabas ng panel ng depensa ni Duterte ang pahayag ilang araw matapos batikusain ng mga legal na luminaries, mga miyembro ng akademya, at iba pang grupo ang Senado sa diumano’y pagkaantala ng impeachment trial ng Bise Presidente.

“Inuulit namin ang aming matatag na posisyon na ang pagsisimula ng proseso ng impeachment—partikular na ang Fourth Impeachment Complaint—ay nagdurusa sa malubhang kahinaan sa kons­titusyon,” napaulat na sinabi ng defense team ni Duterte.

Nakasaad din na ang  proseso ng impeachment ay hindi dapat gamitin sa armas para manggulo, patahimikin, o maalis ang mga kalaban sa pulitika.

“Gayunpaman, kung pipiliin ng Senado na magpatuloy, nakahanda kaming harapin ang mga kaso at ilantad ang kawalang-basehan ng mga akusasyon laban sa Bise Presidente.”

Natanggap ng Senado ang Articles of Impeachment laban kay Duterte noong Pebrero 5, ang huling araw ng sesyon bago sinuspinde ang mga sesyon ng kongreso upang bigyang-daan ang campaign period para sa 2025 midterm elections.

Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na haharapin ng Senado ang ­ouster case kapag muling nagtipon ang Senado sa Hunyo 2, ngunit kalaunan ay inilipat ang agenda sa Hunyo 11, ang huling araw ng ­sesyon ng 19th Congress.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with