^

Police Metro

‘Impeach trial vs VP Sara simulan na!’

Ludy Bermudo - Pang-masa
‘Impeach trial vs VP Sara simulan na!’
Vice President Sara Duterte.
STAR / File

Senado kinalampag ng 4 unibersidad

MANILA, Philippines — Apat na malalaking unibersidad sa bansa ang magkakasunod na nanawagan sa Senado na simulan na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang Ateneo School of Government (ASoG) ay nakiisa sa akademya na kumakalampag sa Senado sa panawagang ituloy na ang impeachment trial ni VP Sara.

“We call on the Senate to fulfill its Constitutional duty and to proceed with the impeachment trial of Vice President Sara Duterte,” ayon sa pahayag ng ASoG.

Iginiit ng ASoG na pagpapabaya sa tungkulin kung hindi daraan sa paglilitis at pagwawalang-bahala na malinaw na pagtatangkang i-whitewash ang mga alegasyon laban sa isang public official.

Nitong Biyernes, nanawagan din ang De La Salle University (DLSU) faculty members na nagsabing ang pagkakaantala ay nakakasira ng tiwala ng publiko sa pagbabalewala sa Saligang Batas.

Gayundin ang nilalaman ng panawagan ng mga professor ng San Beda University (SBU) kabilang ang dalawang retired Supreme Court Justices.

Batay sa Facebook post ni Graduate School of Law,  Dean, Rev. Fr. Ranhilio Calangan Aquino nitong Biyernes: “We, professors of the Graduate School of Law of San Beda university, in our individual capacities, respectfully urge the Senate of the Philippines to proceed with the trial of the Vice-President in accordance with Article XI of the Constitution.”

Kabilang sa 13 professors ng SBU sina dating SC Justices Adolf Azcuna at Jose Vitug ang humi­ling na ituloy na ang pagdinig sa impeachment.

Una nang nanawagan ang 100 faculty members ng University of the Philippines College of Law at Dela Salle University-Department of Political Science and Development Studies na agad nang simulan ang impeachment trial.

Maging ang Philippine Political Science Association (PPSA) Board of Trustees ay nagsabing “long-overdue” na ang obligasyon at kawalan ng aksyon ng Senado na nagdudulot ng seryosong alalahanin sa transparency at institutional integrity.

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with