^

Police Metro

Ex-cop, ipinosas sarili sa tow truck!

Joy Cantos - Pang-masa

Para ‘di mahatak sasakyan

MANILA, Philippines — Upang hindi mahatak ang kanyang sasakyan, isang mister na nagpakilalang dating pulis ang ipinosas ang sarili sa tow truck cable sa isinagawang “Bantay Sagabal” operation ng mga operatiba ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, ayon sa ulat kahapon.

Ikinatuwiran ng nasabing mister sa mga MMDA personnel na hindi sila dapat magsagawa ng operasyon sa kahabaan ng Crispulo Street sa North Caloocan dahil sakop umano ito ng isang pribadong subdibisyon.

“Pakita niyo muna ‘yung basis ng jurisdiction niyo dito. Ito ba ay pag-aari na ba ng city hall ‘to? Unang-una, wala ngang pasabi ang barangay,” giit ng nasabing mister na nagpakilala ring isang dating pulis kaya alam umano niya ang batas.

Bandang alas-10 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga MMDA personnel sa kahabaan ng Crispulo Street kaugnay ng pinaigting na “Bantay Sagabal” operation. 

Ipinaliwanag naman ni MMDA Special Ope­ration Group-Strike Force Chief Gabriel Go na hindi pribado ang nasabing kalsada dahil kung pribadong kalsada ito ay dapat may bakod na. Giit niya na umaksyon sila matapos bahain ng reklamo ang Presidential Hotline dahil umano sa mga sasakyan na illegal na nakaparada sa lugar. 

Matapos ang negosa­s­yon. pumayag ang nasabing mister na tanggalin na ang posas pero inisyuhan pa rin siya ng ticket.

Ipinaliwanag pa ng MMDA na kailangan nilang linisin ang mga nakaparadang sasak­yan sa Crispulo Street at Camarin Road dahil nagsisilbi itong alternatibong ruta sa mga motorsiklong apektado ng ginagawang MRT-7.

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with