^

Police Metro

Brodkaster hinoldap: Suspek hulog sa motor, timbog!

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isa sa riding-in-tandem na nangholdap sa isang broadcaster nang mawalan ng balanse at mahulog mula sa motorsiklo, noong Huwebes ng gabi, sa Makati City.

Sa ulat kay Makati City Police Station commander, P/Colonel Jean Dela Torre, ang suspek na kinilala sa alyas”Justin” 23-anyos, residente ng Signal Village, Taguig City, ay nakumpiskahan ng isang motorsiklo, isang kalibre .38 na baril at mga bala, at dalawang plaka ng motorsiklo na hinihinalang ipinapalit sa nakakabit na plate number matapos makagawa ng krimen.

Sa imbestigasyon, alas-9:10 ng gabi ng Mayo 22, 2025 nang humingi ng saklolo sa nagpapatrolyang mga pulis ang isang 44-anyos na broadcaster na hindi pa pinangalanan sa Finlandia St, sa Makati City matapos holdapin ng riding-in-tandem habang mag-isang naglalakad.

Reklamo ng biktima, bumaba ang backrider na si “Justin”, tinutukan siya ng baril at tinangay ang kaniyang iPhone 11.

Hinabol ang riding-in tandem hanggang sa mawalan ng balanse ang motorsiklo at nahulog ang angkas na suspek sa bahagi ng Barangay San Isidro, dahilan upang siya ay makorner ng mga pulis habang nakatakas naman ang nagmamanehong suspek.

Narekober kay Justin ang baril at nang rikisahin ang motorsiklo, nadiskubre ang dalawang plaka ng sasakyan at driver’s license.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with