Mag-ina, 8-anyos patay sa flashflood
MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ng mga emergency responders ang isang 34-anyos na ina, anak niyang babae na grade schooler, at isa pang batang lalaki makaraan silang malunod dahil sa rumagasang baha sa Sultan Kudarat nitong Biyernes.
Kinumpirma nitong Sabado ng mga opisyal ng Lebak Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng mga barangay officials sa Salaman ang pagkasawi sa naturang insidente ng ginang na si Maila Pulido, 34-anyos, kanyang 12-anyos na anak na si Mylene, pawang residente ng Sitio Kikatay sa Brgy. Salaman, Lebak, Sulta Kudarat
Sumunod na natagpuan ang bangkay ng 8-anyos na batang lalaki na si Lawrence Itew, sa Barangay Santa Maria sa Kalamansig, katabi lang ng Lebak.
Sa ulat ng mga lokal na kinauukulan, tinangay ng malakas na agos ng flashflood ang mag-ina habang sila ay lumilikas sana sa ligtas o mataas na lugar sa Sitio Kitay, Barangay Salaman ng mapunang binaha na ang kanilang kapaligiran.
Gayunman, parehong natagpuang patay na ang mag-ina ng mga barangay officials at local government rescuers na nagresponde sa insidente matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente ng Salaman hinggil sa kalunus-lunos na sinapit ng mga biktima.
Sa report naman ni Lovely Joy Hallegado, Sultan Kudarat’s Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang 8-anyos na si Itew ay nalunod rin habang nasa ilog ng Brgy. Barangay Santa Maria, Kalamansig.
Bunsod nito, hinimok ni Hallegado sa mga residente sa nasabing mga bayan na mag-ingat at maging mapagbantay kung magpapatuloy ang mga pag-ulan upang matiyak an kanilang kaligtasan sa pagtaas ng tubig baha at flashfloods.
- Latest