^

Police Metro

Magpinsan umawat sa away ng mag-ex: 1 todas, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 20-anyos na lalaki habang sugatan ang kanyang pinsan na kapwa umawat lamang sa pag-aaway ng isang saleslady at kaniyang dating nobyo, sa isang kilalang resto bar, sa Sta. Cruz, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jessie Batistil, 20-anyos, waiter, residente ng Sta Cruz, Maynila, at kustomer ng Padis Point nang maganap ang insidente, dahil sa tinamong saksak sa dibdib.

Laceration o hiwa naman sa baba ang tinamo ng biktimang si Jayvee Batistil Tibordo, 24-anyos, waiter din sa ibang establisimyento at kasama  ng pinsang si Batistil.

Tinutugis pa ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section ang dalawang suspek na sina alyas “Amboy”, helper, residente ng Valenzuela City; at alyas “Lemuel”, driver, at residente ng Quezon City.

Sa ulat, naganap ang insidente ng pananaksak sa labas ng Padis Point na matatagpuan sa CM Recto Avenue cor Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, alas-4:45 ng mada­ling araw ng Biyernes.

Sa imbestigasyon, ang dating magkarelasyon ang nakitang nag-aaway sa loob ng nabanggit na resto bar na inawat ni Jessie. Biglang nakialam naman ang dalawang suspek dahilan upang maghamunan at mauwi sa suntukan sa labas ng resto bar at nauwi sa pananaksak ng mga suspek.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang Honda Click motorcycle na hindi inabutan sa pagresponde ng mga tauhan ng Doroteo Jose Police Outpost.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with