^

Police Metro

Bong Go sa PhilHealth: Mag-isyu ng ID sa mga miyembro

Pang-masa

MANILA, Philippines — “Mag-isyu ng ­matibay at accessible identification card sa lahat ng ­miyembro nito”.

Ito ang naging panawagan ni Senator Christopher “Bong” Go sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Idiniin ng senador na ang pisikal na ID ay napakahalaga upang malaman ng mga pasyente ang mga benepisyong dapat nilang makuha, alinsunod sa batas.

Kinilala ni Go ang progreso sa PhilHealth sa pormal na pagrerehistro ng 96% Pilipino sa ilalim ng National Health ­Insurance Program (NHIP)—isang mahalagang hakbang sa ­universal healthcare ­coverage.

Ngunit binigyang-diin ng senador na kinakailangang “maisara na ang agwat” at tiyakin na ang natitirang 4.52 milyong hindi pa rehistradong indibidwal ay ganap na maisama sa sistema upang mapakinabangan ang mga benepisyo.

Upang matugunan ang isyung ito, inihain ni Go ang Senate Bill No. 2983, na nagmumungkahi ng mandatoryong pagpapalabas ng Philippine Health Card sa lahat ng Pilipinong nakatala sa ilalim ng NHIP.

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with