P130 milyong danyos hingi ng mga pamilya ng SCTEX crash victims sa Solid North – DOTr

MANILA, Philippines — Nagsampa ng civil cases ang mga pamilya ng nasawi sa naganap na karambola sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) laban sa Solid North bus company at humihingi ng P130 milyon danyos, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Personal na sumama si Transport Secretary Vince Dizon sa pamilya ni Jonjon at Daina Janica Alinas sa pagsampa ng civil case sa Quezon City Hall of Justice.
“P50 milyong danyos ang hinihingi ng pamilya para sa pagkamatay ng mga biktima, pati na para sa loss of income at moral and exemplary damages”, wika ni Dizon.
Habang ang ibang pamilya ng nasawi ay nagsampa rin ng civil case sa Antipolo City Court.
“Nagsampa rin ng civil case ang mga pamilya ng iba pang mga biktima ng SCTEX road crash sa korte sa Antipolo City, kung saan P80 milyong danyos naman ang hinihingi ng mga pamilya,” dagdag ng DOTr.
Magugunita na 10 katao ang nasawi kabilang ang apat na bata habang 37 iba pa ang nasugatan sa naganap na karambola sa Tarlac City toll plaza of the expressway noong Mayo 1.
Ayon naman sa Tarlac City Police Station na ang bus driver na sangkot sa salpukan ay negatibo sa droga at alcohol.
Nitong buwan ay sinuspinde ng LTO ang operation ng Pangasinan Solid North Transit Inc. ng 30 araw dahil sa nasabing aksidente.
- Latest