Mag-asawa, 2 anak patay sa sunog
MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng pamiya ang nasawi habang isa ang nasugatan nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay habang nasa mahimbing na pagtulog naganap nitong Miyerkules ng madaling araw sa Brgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan.
Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina “Philip”, 49; “Maricel”, 48; at dalawa nilang anak na sina “Felice”, 18; at “Julienne”, 10, na may apelyidong Calauag habang nasugatan ang anak nilang si “Seth”, 15, kapwa mga residente ng Alido Heights, Brgy. Bulihan ng nasabing lungsod.
Sa report ng Malolos police station, naganap ang insidente, alas-3:41 ng madaling araw nitong Mayo 21 sa nabanggit na lugar habang mahimbing na natutulog ang pamilya.
Ayon sa report, alas-4:18 ng umaga ay tuluyang naapula ng mga rumespondeng tauhan ng Malolos Fire station ang sunog at tumambad sa kanila ang apat na bangkay.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng sunog.
- Latest