Mga miyembro ng Gabinete, pinagbitiw ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — “It’s time to realign government with the people’s expectations.”
Ito ang pahayag kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos manawagan para sa courtesy resignation ng lahat ng Cabinet secretaries, isang mapagpasyang hakbang upang muling isaayos ang kanyang administrasyon kasunod ng resulta ng nakalipas lamang na eleksyon.
“This is not business as usual,” ang sinabi ng Pangulo sabay sabing “The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act.”
Ang request para sa courtesy resignations ay magbibigay ng pagkakataon sa Pangulo na suriing mabuti ang performance ng bawat departamento at tukuyin kung sino ang magpapatuloy na magsilbi sa alinsunod sa ‘recalibrated priorities’ ng administrasyon.
“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency,” ang pahayag ng Chief Executive.
“Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” aniya pa rin.
Ang hakbang na ito ay tanda ng malinaw na transisyon mula sa maagang yugto ng pamahahala sa isang ‘more focused and performance-driven approach.’
Binigyang-diin ng Pangulo na habang marami ang nagsisilbi na may dedikasyon at propesyonalismo, ang umuunlad na pangangailangan ng bansa ay nangangailangan ng isang ‘renewed alignment, faster execution, at results-first mindset’.
Tiniyak naman ng Malacañang na hindi maaantala ang paghahatid ng pangunahing serbisyo habang isinasagawa ang mga pagbabago at mananatiling matatag ang operasyon ng pamahalaan habang binubuo ang isang mas mahusay na Gabinete para sa kapakanan ng mamamayan.
- Latest