^

Police Metro

BFAR vessel, ginitgit at binomba ng barko ng China

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ginitgit at binomba ng water cannon ng barko ng China Coast Guard (CCG) kaya nakasira sa kaliwang bahagi ng nguso nito naganap kahapon sa Pag-asa Cay 2 (Sandy Cay) sa West Philippine Sea (WP).

Ayon sa BFAR na ang BRP Datu Sanday at BRP Datu Pagbuaya ay nasa isang routine mission kasama ang scientific team para sa pagkolekta ng samples ng buhangin sa erya para sa ginagawang marine scientific research nang maganap ang insidente alas-9:13 ng umaga.

Sinabi naman ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng West Philippine Sea Concerns, na naganap ang insidente sa territorial sea ng Pilipinas, na bahagi ng Kalayaan Island Group ng WPS.

Sa kabila, aniya, ng paulit-ulit na radio challenge, hindi tinigilan ng CCG ang pambobomba at dinikitan pa at ginitgit ang BFAR vessel na BRP Datu Sanday MMOV 3002 ng dalawang beses, na naglagay sa panganib sa mga sakay na scientists.

Ito aniya, ang unang pagkakataon na binomba ng water cannons ang nasabing research vessels sa erya ng Pag-Asa Cays.

BFAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with