DOJ, planong ipakansela ang pasaporte ni Harry Roque
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na plano niyang ipakansela ang pasaporte ng abogadong si Harry Roque, na kasalukuyang humihingi ng asylum sa Netherlands.
Si Roque ay may nakabinbing warrant of arrest sa utos ng Angeles City Regional Trial Court (RTC) ang para sa kasong human trafficking kaugnay ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations hub sa Porac, Pampanga.
Sinabi ni Remulla na ang pagkansela ng pasaporte ni Roque ay magiging isang undocumented alien, ngunit maaaring hindi siya agad ma-deport dahil sa kanyang asylum application.
“He will be an undocumented alien, ‘pag wala siyang asylum at na-cancel ang passport niya he will be deported,” ani Remulla.
Sinabi ni Remulla na kailangang tapusin muna ang asylum bago aksyunan sa Netherlands ang kahilingan ng Pilipinas na balakid para maisilbi ang warrant of arrest.
Umaasa si Remulla na ikukunsidera ng pamahalaan ng Netherlands ang bigat ng kasong nakasampa laban kay Roque.
- Latest