Gen. Torre, ‘may bayag, may dibdib’ - VACC
MANILA, Philippines — Inilarawan ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Boy Evangelista sa isang panayam sa radyo na isa sa napipisil na susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Police Major General Nicolas D. Torre III ay isang taong “may bayag at may dibdib”.
Ayon kay Evangelista na ang istilo ng pamumuno ni Torre na hands-on at epektibong mga estratehiya kontra-krimen, lalo na ang kanyang mga programa sa police visibility at ang “five-minute quick response” na pinuri mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Unang-una ang police visibility, lagi nating panawagan ‘yan. Pangalawa, ang five-minute response time sa QCPD — proven effective,” saad ni Evangelista.
Kabilang sa mga pangunahing kuwalipikasyon: moral ascendancy, malinis na track record, pagiging independyente mula sa pamumulitika, at ang tapang na pairalin ang merit system sa hanay ng kapulisan. “Hindi puwedeng sunod-sunuran sa mga pulitiko,” diin niya. “Pag Chief PNP ka na, dapat hindi ka nagpapadikta kahit sinong politiko. May board of selection tayo - composed of command officers at multi-sectoral representatives - ‘yan ang dapat masunod sa pagpili ng mga regional at key police officials.”
Dagdag pa niya, dapat taglay ng susunod na hepe ang integridad, pagmamahal sa bayan, at takot sa Diyos.
Pinaalala rin ni Evangelista na bagama’t mahalaga ang tiwala ng Pangulo bilang appointing authority, dapat ding isaalang-alang ang kakayahan at karakter ng uupong hepe.
- Latest