^

Police Metro

Reklamo ni Digong vs Abalos, Marbil ibinasura

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong inihain ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte laban kina dating DILG Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil.

Matatandaang noong nakaraang taon, nagsampa si Duterte ng malicious mischief complaint laban kina Abalos, Marbil at iba pang police official kaugnay sa police operation sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City para arestuhin si Apollo Quiboloy.

Sa resolusyon na nilag­daan ni Assistant State Pro­secutor Angelica Laygo-Francisco, sinabi ng DOJ na walang nakitang ebidensya ang DOJ para suportahan ang reklamo para sa malicious mischief at paglabag sa domicile na inihain ni Duterte bilang administrator ng KOJC properties laban sa mga respondents.

Matatandaang noong nakaraang taon nang ihain ni Duterte ang reklamo na sobra-sobra at hindi makatwiran ang malawakang operasyon ng pulisya na may kinalaman sa pagpasok ng mga tauhan ng pulisya sa mga gusali at tirahan sa KOJC compound at isinagawa nang walang search warrant bukod pa sa pagkasira ng mga istruktura.

Paliwanag naman ng DOJ, resulta lamang ng operasyon at balidong pag-aresto ang pagkasira ng istraktura.

Binanggit din sa resolusyon na wala namang presensya sa nasabing operasyon ang ilang respon­dents kabilang sina Abalos at Marbil, malinaw na hindi sila pumasok sa KOJC compound para sa sinasabing paglabag o violation of domicile.

BENHUR ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with