Operasyon ng 107 driving schools, sinuspinde
MANILA, Philippines — Nasa 107 driving schools ang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa iba’t ibang paglabag.
“We have already suspended around 107 driving schools just in the last two weeks. Nahuhuli, na-audit trail namin ‘yan in various regions nationwide, wala ng takas ngayon”, ayon kay LTO chief Atty. Vigor Mendoza II.
Aniya ang mga suspended driving schools ay matatagpuan sa Central Luzon, Calabarzon at Metro Manila.
Sinabi pa ni Mendoza, na ang ginawang paglabag ng mga suspended driving schools ay ang pag-iisyu ng driving certificate na non-appearance o walang maayos na theoretical driver’s training.
Pinadalhan na ng LTO ng show cause orders ang mga suspended driving schools para magpaliwanag kung bakit hindi sila maaaring parusahan kaugnay nang ginawang paglabag.
- Latest