2 coed, timbog sa P5.3 milyong shabu

MANILA, Philippines — Dalawang babaeng estudyanteng ang inaresto ng mga otoridad at nasamsam sa kanila ang nasa P5.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, kamakalawa.
Kinilala ang mga naarestong suspek na alyas ‘Emma’ at alyas ‘Cristy,’ 18, kapwa residente ng Brgy. Pinagbuhatan at itinuturing na newly-identified High-Value Individuals (HVI).
Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), Martes nang maaresto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang mga suspek sa ikinasang operasyon kung saan nasamsam ang 10 malalaking pakete ng iligal na droga na may timbang na nasa 792.44 na gramo at nagkakahalaga ng P5.3 milyon.Nakapiit na ang mga suspek sa Pasig City Police Station.
- Latest