^

Police Metro

Pakikipagkasundo ni Marcos ‘di lamang para sa mga Duterte

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Malacañang na hindi lamang sa mga Duterte ang alok na rekonsilyasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  kundi sa lahat ng tao na maaaring hindi kapareho ng kaniyang paniniwala, prinsipyo o polisiya.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro kasunod ng hirit ni Atty. Harry Roque na kung talagang sinsero ang pangulo sa tinuran nitong pakikipag-ayos sa mga Duterte ay pauwiin nito sa Pilipinas si da­ting Pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Castro, hindi dapat ituon lamang sa pamilya Duterte ang pakikipakasundo dahil malinaw aniya ang sinabi ng Pangulo na gusto niyang makasundo ang lahat ng tao dahil ayaw nito ng away o gulo.

“Huwag tayong mag-focus sa sinasabing open for reconciliation para lamang sa mga Duterte. Maliwanag ang sinabi ng Pangulo, sa lahat ng tao na maaaring hindi kapareho ng kanyang paniniwala, o ng prinsipyo o ng polisiya,” saad ni Castro.

Binigyang-diin ni Castro na hindi gagawin ng Pangulo na lumabag sa batas para lamang sa isang rekonsilyasyon tulad ng iginigiit ng kampo ng mga Duterte na pauwiin ang dating Presidente sa bansa mula sa pagkakulong sa Netherlands.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with