^

Police Metro

Mayor, misis dinakip sa kasong murder

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mayor at misis nito ang dinakip ng mga otoridad nitong Martes kaugnay nang naganap na pananambang at pagkakapatay sa isang bise alkalde at bodyguard nito habang sugatan naman ang misis at anak ng target sa naganap na ambush noong 2024 sa Maguindanao del Sur.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) XXII, ang mag-asawang sina South Upi Mayor Reynalbert Insular at misis nitong si Janet ay nasakote sa Brgy. Making, Parang, Maguindanao del Norte sa isang operasyon.

Pero ayon  sa mag-asawang Insular na sila ay sumurender sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) matapos na magpalabas na ng arrest warrant ang Regional Trial Cour (RTC) 27 ng Cotabato City.

Ang mag-asawa ay nahaharap sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder kaugnay ng naganap na pananambang kay Vice Mayor Roldan Benito sa Brgy. Pandan, South Upi ng lalawigan. Si Benito at bodyguard nito ay nasawi sa insidente habang ang misis naman ng opisyal at kanilang anak ay nasugatan sa insidente.

Nabatid na si Insular ay nagwagi bilang bise alkalde sa katatapos na halalan noong Mayo 12 habang natalo naman sa mayoralty race ang misis nito.

Ang mga ito ay isinailalim sa kustodya ng CIDG BARMM kaugnay ng kasong kanilang kinakaharap.

Itinakda naman ng korte ang P200,000 piyansa sa bawat isang kaso ng frustrated murder at P120,000 naman sa kasong attempted murder habang wala namang ­inirekomendang piyansa sa dalawang counts ng murder.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with