PCO chief Jay Ruiz namumurong masibak
MANILA, Philippines — Namumuro na umanong masibak si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz na ilang buwan pa lamang sa puwesto.
Ayon sa source nagsimula na umanong magtanong-tanong ang Malacañang sa posibleng kapalit ni Ruiz.
Nabatid na gusto umano ni Pangulong Bongbong Marcos ay magaling mamahala lalo na sa media operations, na hindi umano natugunan ni Ruiz.
Si Ruiz ang ikaapat nang PCO chief sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
Isa siyang veteran broadcast journalist na naitalaga bilang PCO secretary noong Pebrero 2025 kapalit ni Cesar Chavez.
Simula pa lamang ay nabahiran na ng kontrobersiya ang kanyang panunungkulan.
Kabilang na rito ang nasiwalat na ang media firm umano, na co-founder siya, ang nakakuha ng multi-milyong halaga ng kontrata mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Pinabulaanan ng PCO ang ulat at sinabing authorized representative lamang si Ruiz ng Digital8 sa joint venture agreement dahil sa pagiging pinuno nito ng sales and marketing.
Naging kontrobersiyal din ang mungkahi ni Ruiz na mas mahigpit na accreditation requirements para sa Malacañang Press Corps.
- Latest