^

Police Metro

Pangulong Marcos: Pagresponde ng mga pulis ‘di dapat lalampas sa limang minuto

Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos: Pagresponde ng mga pulis ‘di dapat lalampas sa limang minuto
Manila Police District on January 4, 2024.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine National Police ang karagdagang police visibility upang agad na makaresponde na hindi lalampas sa limang minuto upang masawata ang posibleng paggawa ng krimen.

Sa podcast interview ng Pangulo, ina­tasan din nito ang PNP at Department of Interior and ­Local Government (DILG) na magkaroon at siguruhin na ang kapulisan ay malapit sa tao.

“So ang una naming ginawa, inutusan ko silang ng DILG at saka Chief PNP sinabi ko sa kanila, dapat laging may nakikita na ­

pulis na naglalakad. Kasi pagtagal ng panahon, nakikilala mo na ‘yun,” pahayag ni Pa­ngulong Marcos.

Kapag madalas din aniyang nakikita ng mga tao ang mga pulis sa lansangan ay nararamdaman nilang ligtas sila at magiging kaibigan pa nila ito.

Pinuna naman ng Pangulo ang mara­ming emergency numbers kaya nagkakaroon ng kalituhan sa publiko, kaya magpapatupad ang gobyerno ng ­single ­crisis hotline para sa emergency hotlines tuwing mayroong krisis.

“Di ba mayroon tayong iba-iba eh – 119, 911, 999, kung anu-ano. Gagawin ­naming isa,” ayon pa sa ­pangulo.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with