DOTr: EDSA rebuild kasado sa Hunyo

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na nakatakda nang umarangkada sa kalagitnaan ng Hunyo ang planong rehabilitasyon sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).
Sa isinagawang inspeksiyon sa EDSA busway stations, sinabi ni Dizon na nagpulong na ang DOTr, Department of Public Works and Highway (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang isapinal ang mga plano para sa EDSA Rebuild Program.
Una nang sinabi ng DOTr na ang rehabilitasyon ng EDSA ay bahagi ng hosting preparations ng bansa para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idaraos sa susunod na taon.
Siniguro rin naman nito na sa kabila ng rehabilitasyon ay magpapatuloy pa rin ang operasyon ng EDSA Busway. Ililipat umano ang busway na gagamit ng isang linya ang mga pribadong sasakyan.
Nabatid na kabilang sa mga unang lugar na maaapektuhan ng rehab ay mula sa Roxas hanggang Guadalupe.
Sa pagtaya ng DOTr, aabutin ng halos dalawang taon bago matapos ang naturang proyekto.
Pinayuhan naman nito ang publiko na humanap muna ng alternatibong ruta dahil asahan na anila ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.
- Latest