^

Police Metro

‘One Government approach’ para tuldukan ang illegal vape trade - BIR

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagkakabunyag na 80 porsyento ng ibinebentang mga vape product ay ilegal, nanawagan ang mga mambabatas at iba pang tax officials na magkaroon ng tinatawag na “one government approach” para tuldukan ang nasabing problema.

Sa nakaraang pagdinig ng Senate Ways and Means Committee, inilatag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang talamak na unregulated at untaxed vapor products sa bansa gayundin ang mga hamon para sa pagsugpo dito.

Ayon kay BIR Large Taxpayers Service Assistant Commissioner Atty. Jethro Sabariaga, ngayong ­buwan ng Mayo ay inilunsad ni Commissioner Romeo ­Lumagui Jr. ang panibagong nationwide campaign bunsod na rin ng intelligence reports hinggil sa lumalakas umanong bentahan ng ilegal na produkto, partikular sa online at vape shops.

Dahil dito, iminungkahi ng BIR official na magkaisa ang lahat ng government agencies gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), local government units at Philippine National Police (PNP) laban sa illicit vape products.

Sa panig ni Commissioner Lumagui, iginiit niyang bagama’t laging binabanggit ng industry player ang kaparusahan sa over regulation at pagbabayad ng buwis sa mga legitimate products, umaasa ang mga mamamayan sa gobyerno na mahigpit na bantayan at pananagutin sa batas ang mga gumagawa ng kamalian.

BIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with