85-anyos lola sinilaban ng kapitbahay
MANILA, Philippines — Isang 85-anyos na lola ang nasawi matapos na madamay sa sunog ang kanyang bahay nang sadyaing silaban ng kanyang kapitbahay ang bahay nito sa Sitio Panaklayan, Brgy. Muzon South, City of San Jose del Monte, Bulacan nitong Sabado.
Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Jean Fajardo, Central Luzon police director, kinilala ang nasawing biktima na si Rosalina Neglerio, residente ng Antonio Gerona Compound, Sitio Panaklayan, Barangay Muzon South, City of San Jose del Monte, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang kapitbahay ng biktima na si Bernard Celorico Corentana sa nasabing compound ay binuhusan ng varnish ang loob at labas ng kanyang bahay at pagkatapos ay kanyang sinilaban.
Mabilis na kumalat ang apoy na kung saan ay nadamay ang bahay ng matanda na kung saan pagkatapos na maapula ang apoy ay natagpuan ang sunog na katawan ng biktima sa kanyang silid.
Agad na inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong criminal.
- Latest