P20/kilo ng bigas mabibili na sa Mindanao
MANILA, Philippines — Pagsapit ng Hulyo ay magsisimula na ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa Mindanao.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel, ang phase 2 ng pagbebenta ng P20 kilo ng bigas ay nakabase sa poverty incidence, kaya uunahin nila ang Zamboanga del Norte na mayroong 37.7% ng poverty incident.
Sinundan ito ng Basilan; Cotabato City; Tawi-tawi; Maguindanao del Sur; Maguindanao; Davao Oriental; Sorsogon at Maguindanao del Norte.
Habang ang phase three naman ng proyekto ay sisimulam sa Setyembre sa Sultan Kudarat; Lanao del Norte; Catanduanes; Agusan del Sur; Sarangani; at Dinagat Island.
Kasama na rin sa “rice emergency 12” ay kwalipikado rin para sa shared subsidy ay ang Siniloan, Laguna; CamSur; Matti, Davao; Cotabato Province; San Rafael, Bulacan; Palayan, Nueva Ecija; Isabela Province; Mataas na Kahoy, Batangas; Batanes; Navotas; at San Juan.
Samantala, inaasahan naman na mula sa 34 Kadiwa outlets na mayroon para sa vulnerable sector ay gagawin na itong 55 sa susunod na buwan.
- Latest