^

Police Metro

Motorsiklo vs truck: 3 obrero, utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang motorcycle driver at dalawa nitong backrider ang nasawi makaraang aksidenteng sumalpok sa kasalubong na truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Cabanyohan Crossing, Brg. Tampalon, Kabankalan City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Robin Causapin, 19; Jomel Hamaybay, 21 at Rico Ian Samanero, 26; pawang mga obrero ng Brgy. Tampalon ng lungsod.

Batay sa ulat ang insidente ay naganap sa kahabaan ng nasabing highway, alas-9:40 ng gabi noong Sabado.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang minamaheno ni Samanero ang kaniyang Rusi motorcycle kaangkas sina Causapin at Hamaybay pauwi sa kanilang tahanan nang aksidenteng sumalpok ito sa kasalubong na truck na minamaneho ni Gerardo Makilan III, 40 ng Brgy, Locotan ng nabanggit ding siyudad.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang mga biktima ay pawang nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with