Ginang dinedo habang nagluluto ng tanghalian
MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 49-anyos na ginang matapos na pagbabarilin habang nagluluto ng tanghalian ng hindi nakikilalang gunman nitong Sabado sa Sitio Gitna, Barangay Ilayang Nangka, Tayabas City, Quezon.
Kinilala ng Tayabas City Police Station ang biktima dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan mula sa hindi pa matukoy na baril na kinilala sa alyas “Anna”, 49, naninirahan sa nabanggit na lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-11:30 ng tanghali habang ang biktima ay kasalukuyang nasa kusina ng kanilang bahay kung saan abala sa paglululo nang pananghalian ay biglang dumating ang suspek at pinagbabaril ito.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek na nakasuot ng kulay itim na long sleeve at lulan ng Kawasaki Barako Motorcycle na walang plaka.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen at patuloy na inaalam ang pagkakilanlan ng suspek para sa agarang ikadarakip nito.
- Latest