^

Police Metro

2 waging partylist group hindi iprinoklama ng Comelec

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi iprinoklama kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang party­list groups na nanalo sa midterm polls dahil sa nakabinbing resolusyon ng kani-kanilang kaso sa poll body.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia na hindi iprinoklama ang Duterte Youth na ­nakakuha ng tatlong puwesto at ang Bagong Henerasyon, na may isang puwesto.

Sa isang press ­briefing, bago ang proclamation ng partylist winners, ­nilinaw naman ni Garcia na ang suspensiyon ay hindi nangangahulugang hindi na maipuproklama ang mga naturang grupo.

Sa halip ay maaantala lamang aniya ang proklamasyon hanggang sa sandaling maresolba na ang kinakaharap nitong kaso.

Ang ­proklamasyon para sa partylist groups na nagwagi sa midterm polls ay idinaos kahapon ng hapon sa The Manila Hotel, Tent City.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with