^

Police Metro

3 delivery truck nagsalpukan; 1 todas, 4 sugatan

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang driver ang nasawi habang apat na iba pa ang nasugatan makaraang magsalpukan ang tatlong ­delivery truck sa Maharlika Highway, Barangay Balibad, Atimonan, ­Quezon, kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng Atimonan-PNP, ­patungong Bicol Region ang isang truck habang nasa kabilang linya naman papuntang northbound o Manila ang dalawa pang truck.

Nawalan umano ng kontrol ang truck na ­papuntang Bicol at ­sinalpok ang paparating na dalawang truck sa kabilang linya. 

Sa lakas ng impact ay dalawang driver ng truck ang naipit sa kanilang puwesto.

Inabot ng mahigit apat na oras bago ­maialis ng mga rescuer ang mga biktima na agad dinala sa ospital, subalit sa kasamaang palad ay isa sa mga naipit na driver na nakilalang si “Brandon” ang idineklarang dead-on- arrival sa Dona Martha Hospital.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with