Tserman, 2 tanod tugis sa pagpatay sa aso
MANILA, Philippines — Isang barangay chairman at dalawang niyang tanod ang tinutugis na ngayon ng mga otoridad matapos na akusahan sa pagpatay sa isang asong Siberian Husky na ikinulong ng mga ito sa “dog found” ng Brgy. Bungahan Cuenca, Batangas.
Sa ulat ng Batangas Police, ang mga suspect ay tinukoy lamang sa pangalang “Elmer”, 50, Barangay Chairman at dalawang tanod na kinilala sa mga pangalan na “Edison” at “Rodolfo”.
Sa imbestigasyon, noong Mayo 17 ay nakawala sa kulungan ang nasabing Siberian Husky na pumasok sa compound ng tahanan ni Elmer at kinagat ang alaga nitong tandang na manok.
Ang insidente ay nakita ni Elmer kaya kumuha ito ng dos por dos na matigas na kahoy at pinukpok sa ulo ang aso para mabitawan nito ang manok.
Pagkatapos ay dinala ang sugatang aso sa “dog pound” ng barangay para dito muna ito manatili. Pinuntahan ng mga barangay tanod ang may-ari ng aso na tinukoy sa pangalang “Alma” at ipinabatid dito na kunin ang bangkay ng aso sa “dog pound”.
Ini-report naman ng ginang ang insidente sa pulisya at sinamahan ito sa veterinarian na sinuro ang aso at dito’y nabatid na namatay ito matapos hatawin ng maraming beses ng matigas na bagay.
Sinasabing ‘blunt trauma’ sa kaliwang bahagi ng ulo at may mata ang naging sanhi ng matinding hemorrhage at proptosis sa may mata ng aso na siyang naging sanhi ng kamatayan nito.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10631 o ang Philippine Animal Welfare Act of 2013 ang tatlong suspek.
- Latest