Bong Go: Mag-ingat, magbantay sa pag-usbong ng COVID-19
MANILA, Philippines — Nagpaalala si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa publiko na maging mapagbantay, ngunit kalmado, kaugnay ng ulat na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Southeast Asia.
Ngunit sinabi ni Go na batay sa pagsisiyasat ng Department of Health (DoH), wala namang natutukoy na kaso sa loob ng bansa kaya walang dapat na ikalarma.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa international counterparts nito, partikular sa pamamagitan ng mga mekanismo sa loob ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), upang subaybayan ang sitwasyon. Sa isang pahayag, iniulat ng DOH na ang Pilipinas ay kinakitaan ng 87% pagbaba sa mga impeksyon at pagkamatay ng COVID-19 ngayong taon, kung saan 1,774 lamang ang naiulat na mga kaso kumpara sa 14,074 noong 2024.
Ang kaso ng fatality rate ay nasa 1.13%. Bahagyang bumaba rin ang weekly figures sa mga nagdaang linggo, may 71 kaso na naitala mula Marso 23 hanggang Abril 5, 2025, at 65 na kaso mula Abril 6 hanggang 19.
Sa kabila ng improved outlook, nanawagan si Go sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga pangunahing protocol sa kalusugan, partikular sa public at healthcare settings.
- Latest