4 katao arestado sa pagbebenta ng hindi rehistradong slimming coffee

MANILA, Philippines — Apat na katao ang inaresto ng mga otoridad sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Binondo, Maynila, kamakailan.
Sa ulat na ipinadala ni CIDG Director Police Major Gen. Nicolas Torre III, nilusob ng mga tauhan ng Southern Metro Manila Field District ng CIDG National Capital Region ang isang unit sa Hokka Tower II sa Binondo, Maynila noong Mayo 16 matapos na makatanggap ng tip hinggil sa pagbebenta ng slimming coffee na hindi rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA) at wala ring certificate of product registration.
Hindi na nakapalag ang apat na suspek na nakilala sa mga alyas na Janice, Joey, Camille at Meldy na naaktuhang nagbebenta ng mga nasabing produkto.
Nakumpiska sa mga suspek ang 20 master boxes ng “Lishou” slimming coffee na nagkakahalaga ng P300,000.
- Latest