DepEd: Pagkalat na may Grade 13 na sa Senior High School, fake news

MANILA, Philippines — Naglabas ng pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol sa mga kumalat na pekeng balitang magkakaroon na ng “Grade 13” ang Senior High School sa darating na school year 2025-2026.
Ayon sa pahayag ng DepEd, “Fake news ang kumakalat na Facebook post tungkol sa umano’y dagdag na Grade 13 sa Senior High School para sa SY 2025-2026.”
“Muling pinaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation.”
“Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts,” anila pa.
- Latest