^

Police Metro

Bahay inararo ng trak: Mag-asawa, sanggol dedbol

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang mag-asawa at kanilang anak na 4 buwang gulang nang araruhin ng truck ang kanilang bahay habang sila ay natutulog, naganap noon Sabado sa Siayan, Zamboanga del Norte.

Nasugatan naman ang isa pang anak na 9-anyos at kaniyang lolo.

Sinabi sa ulat na nawalan ng kontrol ang driver ng truck na may lulan na mga motorsiklo kaya nagtuloy-tuloy na inararo ang tatlong bahay na magkakatabi na kung saan ay nasapol ang mga biktima.

Nasugatan ang driver na suspek at kaniyang kapalitan sa pagmamaneho matapos makatalon mula sa truck.

Nasa kustodiya ng Siayan Police ang driver habang ang operator na may-ari ng truck ay nakikipag-ugnayan sa mga kaanak ng mga biktima.

ZAMBOANGA DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with