12 wagi sa pagka-Senador naiproklama na

MANILA, Philippines — Iprinoklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 nanalong kandidato sa pagka-senador na ginanap sa Tent City sa Manila Hotel sa Maynila, kahapon.
Si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang bumasa ng resolusyon ng National Board of Canvassers (NBOC) kung saan binanggit isa-isa ang mga nanalo na kinabibilangan nina Bong Go, Bam Aquino, Bato Dela Rosa, Erwin Tulfo, Kiko Pangilinan, Rodante Marcoleta, Ping Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, Camille Villar, Lito Lapid at Imee Marcos.
Si Kiko Pangilinan bilang pang-lima sa 12 ang hindi nakadalo sa proklamasyon dahil nasa Estados Unidos na dumadalo sa graduation ng anak na si Frankie.
Isa-isang nagbigay ng pahayag o moment of speech ang present na 11 senator-elect matapos silang indibidwal na iproklama at bigyan ng certificate ng Comelec commissioners.
Si Senator-elect Imee Marcos, na unang ipinroklama ay nagpasalamat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice-Pres. Sara Duterte, hindi sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, sa kaniyang proclamation speech.
Sinabi ni Sen. Imee na suot niya ang barong ng kaniyang namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at kasama niya si dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Huli naman sa proklamasyon ang nanguna sa mga nanalong senator re-elected na si Bong Go.
- Latest