^

Police Metro

Coin deposit machine ops sa MM ititigil na sa Hunyo 17 – BSP

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ititigil pansamantala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang operasyon ng coin deposit machine sa Metro Manila simula sa Hunyo 17, 2025.

Sa inilabas na advisory ng BSP, pinayuhan nito ang publiko na maaari pang gamitin ang coin deposit machines hanggang Hunyo 16.

Dahilan ng BSP, magsasagawa sila  ng masusing pag­repaso para sa kung papaano ang mas magandang  paraan magamit, mare-circulate  o mapagsilbihan ng idle coins ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Noong Hunyo 2023 nang ilunsad ng BSP ang coin deposit machines upang mas mapaikot ang mga loose change.

Nabatid na umabot na sa P1.5 bilyon ang halaga ng naproseso ng mga machines simula noong inilunsad ito.

Ayon sa BSP, maari namang ideposito ang mga barya sa kanilang bank account, habang ang mga walang bank account ay maaari ring ipalit ang mga sira-sirang barya sa mga bangko at iba pang currency exchange centers sa ilalim ng programa ng BSP na Piso Caravan.

Obligado rin ang mga bangko na palitan ang mga “unfit coins” upang hindi na makasama pa sa sirkulasyon, alinsunod sa BSP Circular No. 829 series of 2014, at ng Manual Regulations for Banks (MORB)  .

BSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with