Ilang batas na magpapalakas sa healthcare system, pinirmahan ni Marcos

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12208 o ang batas para sa pagtatatag ng general hospital sa Laguna, na tatawagin bilang Calamba City General Hospital.
Sa ilalim naman ng Republic Act No. 12207, ipinag-utos ang pagpapataas ng bed capacity sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City, Lanao del Sur, mula sa 400 beds, patungong 800.
Ipinag-utos din sa Republic Act No. 12206 ang pagtatatag ng Zamboanga del Sur First District Hospital.
Habang sa ilalim ng Republic Act No. 12205, ipinag-utos din ang pagpapataas ng bed capacity ng San Pedro District Hospital sa Laguna, mula sa 15 patungong 50.
Sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center naman sa Marikina, ipinag-utos din ang pagpapataas sa 1,000 ng bed capacity, mula sa 500, sa bisa ng Republic Act No. 12204.
Habang ang Republic Act No. 12203, ipinag-uutos ang pagtataas ng bed capacity para sa Region 1 Medical Center sa Dagupan, Pangasinan, mula sa 600 patungong 1,500.
Napapaloob din sa mga batas na ito ang paglalaan ng kinakailangang pondo, upang maisakatuparan ang pagpapalakas sa healthcare system sa mga nabanggit na lugar sa Pilipinas.
- Latest