DOTr tinuldukan na ang kontrata sa common station project

MANILA, Philippines — Naglabas kahapon ng anunsyo ang Department of Transportation (DOTr) ang pagtatapos ng kasunduan sa contractor na kinuha upang itayo ang common station para sa mga linya ng LRT-1, MRT-3 at MRT-7.
Sinabi ng DOTr na naglabas sila ng notice of termination laban sa BF Corporation and Foresight Development and Surveying Company (BFC-FDSC) Consortium.
Ayon sa DOTr, ang hakbang ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin at tapusin ang konstruksyon ng proyekto.
“Now that we have terminated the contract with BF Corp. and Foresight Development and Surveying Co, we can finally move on with the construction,” ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon.
“And next step ay mapabilis natin ang construction nito para mapakinabangan na ng mga komyuter dahil malaking bagay sa kanila ito,” dagdag pa nito.
- Latest