Presyo ng petrolyo muling sisipa

MANILA, Philippines — Muling sisipa sa susunod na linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ang inanunsyo ng mga kompanya ng langis na kung saan inaasahang tataas ng 95 centavos hanggang P1.40 ang kada litro ng gasolina, aabutin naman ng P1.50 hanggang P2.00 ang taas sa kada litro ng Diesel at ang Kerosene ay tataas sa halagang P1.30 hanggang P1.40 kada litro.
Sinasabing ang oil price hike ay dulot nang nagdaang apat na araw na galaw sa presyuhan ng petrolyo sa merkado bunsod ng pagsang-ayon ng US at China na bawasan ang reciprocal tariffs sa mga imported goods sa panahon ng 90-day pause.
Tuwing Martes ipinaiiral ang oil price adjustment.
- Latest