FDA may bago ng pinuno
MANILA, Philippines — May bago ng director ang Food and Drug Administration (FDA) sa katauhan ni Director General na si Atty. Teston na Undersecretary ng Department of Health.
Ito ang kinumpirma ng Malacañang at wala namang ibinigay na detalye si Palace Press Officer Atty. Claire Castro kung bakit pinalitan si Dr. Samuel A. Zacate.
Si Dr. Zacate ay personal physician ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at itinalaga sa FDA noong August 2023.
Opisyal nang nanungkulan ngayon si Teston sa kaniyang bagong posisyon bilang Director General ng FDA.
- Latest